TALAGANG bakasyon lang ang ginawa nina Alden Richards at Maine Mendoza sa London kaya naman feeling recharged ang feeling nila pag-uwi nila dito sa bansa. Sabak agad sa trabaho ang AlDub pagbalik nila sa Pilipinas.
Ayon kay Alden, hindi sila masyadong nag-post ng mga picture nila ni Maine sa London dahil mas gusto nilang gawin itong private kahit paano.
Sa isang interview sa Pambansang Bae sinabi nito na ang maituturing niyang highlight ng kanilang trip sa Europe ay ang pagbisita nila sa Pink Sisters sa Holy Trinity Convent, Bad Driburg, German.
“Yung nakita namin si Mother General, sa Pink Sisters. Talagang we found time to reflect on everything that has been happening, to thank the Lord for blessings. At saka iba yung feeling na makita siya in person (head ng Pink Sisters).”
Samantala, marami pang dapat abangan sa Kalyeserye ng Eat Bulaga ngayong malapit nang magbuntis si Maine sa kuwento. Kaya ‘yan ang inyong abangan!