UMARIBA na naman si Keanna Reeves. Bakit, sabi siguro ng lola n’yo, ibang artista lang ba ang may karapatang mag-ingay? Bakit, siya nga ba naman ay walang karapatang magpasimula rin ng isyu, para naman umingay ang kanyang pangalan?
Aba, hindi puwede ‘yun, matagal na rin siyang hindi nagiging kontrobersiyal! Kailangan na niyang mag-post ng samting na puwede siyang pagpistahan.
At ‘yun nga, sa litanya sa kanyang FB ay sinabi ng may edad nang boldstar na inamin niya sa ex ng isang aktor ang kanilang pinagsaluhang kaligayahan, totoo raw ‘yun.
Napansin daw ni Keanna na parang nawalan ng kibo ang kaharap niyang aktres, nasaktan daw siguro ito, kaya panay-panay ang panghihingi niya ng sorry sa aktres na girlfriend pala nu’n ng aktor na nakasiping niya.
Obyus bang si Angel Locsin ang tinutukoy niyang aktres at si Luis Manzano naman na boyfriend nu’n ni Angel ang nakasama niya sa rurok ng pisikal na pagpapaligaya?
Ewan naman kung trip-trip lang nina Luis at Keanna ang nangyari, pero sabi nga ng isang kaibigan namin, kung minsan pala ay hindi rin umaandar ang taste buds ng aktor.
Ikainis kaya ni Jessy Mendiola ang rebelasyon ni Keanna?