Jessy kay Luis: Wag nang pumatol sa bashers!

LUIS MANZANO AT JESSY MENDIOLA

LUIS MANZANO AT JESSY MENDIOLA

INAMIN ni Jessy Mendiola sa 8th anniversary presscon ng comedy gag show nilang Banana Sundae na may mga pagkakataon na napipikon din siya sa mga basher sa social media.

Ayon sa Kapamilya actress, tao lang din naman daw siya na nasasaktan at naaapektuhan kapag may sinasabing hindi maganda tungkol sa kanya, lalo na kapag idinadamay pa ang kanyang pamilya.
“Napipikon minsan, pero sa dami-dami ba naman, lagi ba akong mapipikon? E, di napagod ako. Sayang yung energy.

“Ibibigay ko na lang sa pagiging masaya yung energy na yun,” sey ni Jessy na very happy dahil hanggang ngayon ay bahagi pa rin siya ng top-rating comedy program ng ABS-CBN na Banana Sundae na walong taon na ngayong nagpapasaya sa mga manonood.

Kamakailan ay naging pulutan si Jessy ng mga netizens dahil sa mali-mali raw niyang English, kaya naman to the rescue na naman ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano na talagang walang sawang pumapatol sa bashers nila.

Sey ni Jessy, “Di ko di alam kung anong dapat maramdaman, kasi kahit siya sinasabihan ko na huwag na pumatol. Pero siguro may mga bagay talaga na hindi napipigilan kapag napipikon na. Du’n na sumasagot. Pero di naman lagi siguro. Kung sobra lang talaga.”

Samantala, abangan ang engrandeng anniversary celebration ng Banana Sundae sa KIA Theater sa Nob. 17, 7 p.m. kasama ang buong cast, including Jessy, Pokwang, Angelica Panganiban and JC de era.

Read more...