Vargas kukuha ng TRO para pigilan ang POC election
HINDI hangad ng kampo ni Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) president Victorico “Ricky” Vargas na masuspindi ang Pilipinas mula sa internasyonal na komunidad sa sports kung saan tanging nais nito ay magkaroon lamang ng patas at parehas na labanan sa Philippine Olympic Committee (POC).
Gayunman, tila patungo na ang direksiyon ng Pilipinas sa pagkakasuspindi sa desisyon ng grupo ni Vargas na tuluyan na itong dudulog sa korte para makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) na pipigil sa itinakdang eleksiyon ng pribadong organisasyon na Philippine Olympic Committee (POC) sa Nobyembre 25 sa nananatiling lihim na paggaganapan na lugar.
Ito ang inihayag mismo ni Vargas, kasama ang abogado nitong si Atty. Jake Corporal at dating PBA Commissioner Chito Salud pati na si ABAP executive director Ed Picson, sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico Miyerkules ng umaga.
“We have 15 days to file for a TRO after receiving the decision,” sabi ni Corporal. “There is still time to get it as we received the decision November 4 and we have until November 19 to file before the Pasig Regional Trial Court.”
Matatandaan na unang diniskuwalipika ng binuong POC elections committee si Vargas para kumandidato bilang presidente ng pinakamataas na asosasyon sa sports dahil sa pagiging “inactive” at hindi pagdalo sa mga isinasagawang general assembly sa nakalipas na dalawang taon.
Ipinaliwanag naman ni Sandoval na isa sa mga puntong ilalaman sa pagkuha ng grupo ni Vargas ng TRO ay ang kongkretong kapaliwanagan sa salitang “inactive” na nakasaad sa POC Constitution and By-Laws Article 7 Section 11 na lubhang napakalawak o “vague.”
“We are going to the court because of unfair application. We had no recourse but to challenge the decision by the proper court na. The issue is about this phrase in the By-Laws that says the president and the chairman to be elected by the voters must be active members of the general assembly. It is not active membership or active participation in their respective national sports association but in the general assembly,” sabi ni Corporal.
“We are relying here on somebody or other people’s memory or to a previous election held in that manner, which the POC election committee could not even explain,” sabi ni Corporal.
Hindi rin inaalis ng grupo ni Vargas na tuluyang kausapin ang lahat ng mga national sports association (NSA) para madesisyunan ang kanyang apela na makatakbo sa labanan para sa pangulo ng POC o tuluyang ipaalam na sa Court of Arbitration in Sports ng International Olympic Committee (IOC) ang nagaganap sa asosasyon sa bansa.
“We have here now a sentiment that it has been 12 years now of leadership of (POC president Jose) Cojuangco. It looks that there is really a strongman in there that everybody is afraid of and that there was already a system that keeps them in their seat,” sabi pa ni Vargas.
Ipinaliwanag din ng mga abogado ni Vargas na hindi maikukunsidera na isang government intervention ang pagdulog nito sa korte na siya lamang naman na mamamagitan upang alamin kung ano ang tama at malinaw na proseso para sa nililinaw nitong isyu sa pagkakadiskuwalipika ni Vargas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.