Brillante Mendoza nadamay sa kanegahan ni Jaclyn Jose

BRILLANTE MENDOZA AT JACLYN JOSE

BRILLANTE MENDOZA AT JACLYN JOSE

HUMIHINGI ng suporta si Brillante Mendoza para sa obra niyang “Ma Rosa” starring Jaclyn Jose.
Kasama kasi ang movie sa Best Foreign Film sa Oscars this year.

Sadly, mukhang walang aasahang tulong mula sa netizens dahil imbiyerna ang marami sa recent hanash ni Jaclyn sa social media. Negang-nega ang image ngayon ng premyadong aktres.

“Sana di muna umatungal si Madam sa social media nuong nakaraang mga araw para sa simungaling nyang anak. Medyo maraming irita sa kanya. Paano masusuportahan yan? Aber?” said one guy.

“Hindi madali makakuha ng suporta ang dragon slayer,” say naman ng isa pa.

Say ng isa pang fan, “Honestly, hindi ko type ang ganitong klase ng movie kaya siguro kapareho ko rin yung iba na hindi appreciated ang ganitong movie, ang hirap kaya ng buhay tapos ilalagay ko diyan yung pera ko, sorry alam ko wala akong karapatan pero it’s my money and my choice.”

Read more...