Eva Eugenio napanatili ang kaseksihan at taas ng boses

eva eugenio

IF IT were measured by survey ratings, tiyak na nagtala ng highest listenership ang radio guesting ni Eva Eugenio sa “Cristy Ferminute” noong Huwebes.

Clad in violet leather top na may peek-a-boo sa magkabilang manggas that matched her tight-fitting jeans, by the looks of it ay walang dudang napanatili ng 80s Jukebox Queen ang kanyang katawan.

Imagine her silhouette kung kinunan si Eva nang nakatayo at side view, flat ang puson at nakausli ang puwet.

Tamang-tama ang pagdating ni Eva sa programa, she almost had the whole Throwback Thursday all to herself hindi lang para i-promote ang kanyang latest single na pinamagatang “Ano Nga Ba’ng Pangalan Mo?” kundi para pagbigyan din ang kanyang mga tagahanga ng ilan sa mga signature songs niya.

May kakaibang timpla ang bago niyang awitin. Bukod sa mga liriko nito tungkol sa dalawang nilalang who soared high sa langit-langitan ng karnal na kaligayahan (pero nakalimutang itanong ang pangalan ng nakaniig) ay sinadya itong gawing modern o angkop sa kasalukuyang panahon.

In between kasi nito’y may rap ang kanta courtesy of 70s singer Efren Montes, composed by the late Pablo Vergara and arranged by Sunny Ilacad.

Siyempre, hindi kumpleto ang guesting na ‘yon ni Eva without sampling—either in part or en toto—most of her chart-busting ditties tulad ng “Tukso”, “Mahal Mo Ba Siya?”, “Pag-Ibig Na Walang Dangal” at iba pang mga awitin na hindi man siya ang orihinal na umawit ay ini-record naman niya.

We’ll be honest to say that we’re no Eva Eugenio fan, pero hindi rin kami makabanyaga. Blame it perhaps on the lack of chance na mapanood siya ang live at malapitan.

But Eva Eugenio—saan man tayo makarating—is an institution. An icon in local tin pan alley. Higit sa lahat, it is this amazing discovery that up close and personal ay makikilatis mong isa siyang mabuting tao.

A single parent yet who’s able to raise her only child na nagtagumpay rin sa buhay ay sapat nang palatandaan kung sino si Eva Eugenio kapag wala siya sa entablado. Lalo pa kaming bumilib sa kanya dahil sa panuntunan niya sa buhay. Despite her huge success, her feet are planted on terra firma.

Ano nga ba’ng pangalan ng love na naming singer? Eva Eugenio!

Read more...