‘Transman’ ng PBB mas gwapo kina Aiza at Charice

jesi charice at aiza

PUMASOK na ang isang “transman” sa loob ng Bahay ni Kuya. Dati palang Starstruck hopeful ang aminadong nagpa-surgery para maging isa nang ganap na lalaki.

Siya si Jesi Corcuera na talaga namang sa boses at kilos ay hindi mo na pagkakamalang dating babae. Siya pala ang itinambal noon sa Starstruck Avenger din na si Paulo Avelino na ka-batch niya sa nasabing artista search ng GMA.

Well, nag-iiba na talaga ang panahon. Tanggap na ngayon sa mundo showbiz ang mga bading at transgender.

Pero paano nga kaya siya tatanggapin ng mga teen at regular housemates sa PBB Lucky Season 7, lalo na’t ang unang task na ibinigay sa kanya ni Big Brother ay ang itago muna ang kanyang tunay na pagkatao kasabwat ang dalawa sa pinili niyang housemates?

Pero in fairness ha, karamihan sa mga nabasa naming komento mula sa netizens, di hamak daw na mas guwapo at mas matikas si Jesi kesa sa mga kaliga niyang sina Aiza Seguerra at Charice. Mas papasa raw bilang leading man si Jesi dahil lalaking-lalaki ang dating nito.

Read more...