Aljur sa size ng pototoy: Ugat lang ang nakita ni Prince!

aljur abrenica at prince stefan

HABANG busy si Robin Padilla sa paghahabol na mabigyan ng US visa after niyang tanggapin na walang magagawa ang pagiging malapit niya kay President Digong Duterte, heto naman ang anak niyang si Kylie na nakipagbalikan na pala kay Aljur Abrenica.

Pinag-usapan ang naging bakasyon ng dating magkasintahan sa Japan na nagkabalikan na nga pero tila dedma na lang si Robin. May mga balita noon na hindi boto si Binoe kay Aljur para kay Kylie at isa nga ito sa sinasabing dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa.

Busy si Robin ngayon sa pag-aasikaso sa kanyang US visa na balitang humingi na ng ayuda sa ABS-CBN para mabigyan ng US visa dahil gustong-gusto na nitong makapiling ang asawang si Mariel Rodriguez na malapit nang manganak, kaya siguro dedma muna siya sa lovelife ni Kylie.

Nakakaloka din ang buhay noh? Kilala nating maprinsipyong tao si Robin kaya nga gustong-gusto nito at suportado ang mga programa ng bagong pamunuan na ngayon naman ay tinatawag ng anti-USA.
Eh, sa USA pinili ni Mariel manganak dahil gusto naman nitong maging “citizen” ang anak nila ni Binoe.

Speaking of Aljur, hindi raw ito nagpakita ng galit o inis kay Prince Stefan sa naging rebelasyon nito tungkol sa kanyang “pototoy.”

“Friend” pa rin naman daw ang turing nito sa dati ring Startruck avenger na kamakailan ay umaming bading at marahil nga raw ay may pinagdadaanan lang ito kaya’t nagagamit ang dati nilang bathtub experience.

Pero humirit nga si Aljur na “baka ugat lang” ang nakita ni Prince, bilang tugon sa “regular size” statement ng beki tungkol sa kanyang pototoy.

Hay, naku, puwede kaya nating itanong na lang natin Kylie kung ano ang totoo ngayong nagbalikan na nga sila ni Aljur? Ha-hahaha! Wala pong malisya iyan, ha!

Read more...