Young actress buking na, hindi maitago ang pagkatibo

BLIND ITEM  FEMALE 0318

BAKIT kaya ayaw mamatay-matay ng kuwentong tibo ang isang magandang young actress? May mga nauugnay namang guwapong aktor sa kanya pero nagtataas pa rin ng kilay ang kanyang mga kaklase sa elementarya at high school?

Makapal na ang kulapol ng kanyang make-up, ang porma niya naman ay babaeng-babae, pero ano nga ba ang mga kuwento nu’ng nag-aaral pa lang siya at wala pa sa kanyang hinagap na magiging artista pala siya?

Kuwento ng aming source, “Nu’ng hindi pa kasi nag-aartista si ____ (pangalan ng young actress na kasama sa isang programang ipinagmamalaki ng isang malaking network), e, pormang boy talaga siya.

“Lalaking-lalaki ang dating niya, kaya ang dami-daming schoolmate niya ang nagsasabing nu’n pa man, e, tibo na siya. Hindi siya nakikipagbarkada sa mga girls, puro lalaki ang mga katropa niya.

“May kuwento pa nga nu’n na pinadadalhan niya ng flowers ang isang magandang girl sa school na palaging muse ng klase nila. Type na type daw ‘yun ni young actress!

“Nagulat na lang ang mga kaklase niya dahil artista na siya, umaarte na at kumakanta pa, at girl na girl ang porma niya! Napakalayo nu’n sa dating image niya sa school,” natatawang kuwento ng aming impormante.

Nagdedenay naman ang young actress, mula ulo hanggang paa raw ay babaeng-babae siya, iniintriga lang daw siya ng mga taong hindi masaya sa pagiging artista niya.

Balik-kuwento ng aming source, “Kung minsan, sa mga oras na hindi niya nababantayan ang mga kilos niya, e, nagmumukhang tibo nga siya. Ang mga galaw niya, e, mhin na mhin, kaya marami na ring nagdududa sa tunay niyang gender. Anyway, anumang pagtatago ang gawin niya, e, lalabas at lalabas din naman ang totoo,” pagtatapos ng aming impormante.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang girl na itey, kayo pa ba naman ang maliligaw sa kuwentong ito?

Read more...