HINDI nahirapan si Maryo J. delos Reyes na idirek sina Dingdong Dantes, Paulo Avelino at Angelica Panganiban para sa pelikulang “The Unmarried Wife” under Star Cinema.
Puro papuri nga ang ibinigay ng premyadong direktor sa kanyang mga artista during the presscon of the movie. Hindi raw tulad ng ilang artistang nakatrabaho na niya, madaling i-motivate ang tatlong bida ng “The Unmarried Wife” kaya naging madali ang lahat para sa kanya.
Ayon pa kay Direk Maryo, kung mabibigyan uli siya ng chance, gusto niyang makatrabaho muli sina Dingdong, Paulo at Angelica na tinawag pa niyang tunay na aktres.
“She’s really an excellent actress. Hindi ako nahihirapan bilang director. Hindi tulad sa iba na talang nagdo-double effort ako. Tapos gusto ko siyang i-elevate… let’s push up our stars. I mean, itulak na natin sila kasi tumatanda na rin yung nasa taas, eh. Para yung mga nasa ibaba, pumasok na.
“And I think, it’s their generation. Sila na yan, at hindi sila nawawala sa uso. I believe that we have new actors and actresses now who…na dapat i-acknowledge who have arrived at this point and I commended, and I’m so happy na nakasama ko sila sa pelikula,” papuri pa ni direk sa kanyang mga artista.
Isa raw ang “The Unmarried Wife” sa mga paboritong pelikula na ginawa ni direk Maryo, “The movie doesn’t only talk about relationship. For me it’s a very important film kasi marami siyang topics na sinusundot o pinag-uusapan.
“Unang-una na ang kasal, tapos yung mga problema tungkol sa marriage, sa family, magkaanak. It talks about annulment, separation, being a solo parent, tapos relationship sa children,” dagdag pa ng direktor.
Showing na ang “The Unmarried Wife” sa Nov. 16 nationwide under Star Cinema.