Nanay ng bagong girlfriend ni Paulo nagtaray; basher ng anak tinalakan

paulo avelino at natasha

TINALAKAN ng nanay ni Natasha Villaroman, ang rumored girlfriend ngayon ni Paulo Avelino, ang mga bastos na bashers ng kanyang anak.

Biglang sikat ngayon si Natasha dahil nga sa pagkaka-link niya kay Paulo, pero kasabay nga nito ang panlalait sa kanya ng ilang followers ng Kapamilya hunk actor.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Jade Ecleo-Villaroman, mommy ni Natasha (at dating vice governor ng Dinagat Islands sa Mindanao), ng mensahe patungkol sa mga bumabatikos sa anak.

Unang sinagot ni Mrs. Villaroman ang sinasabing retokada raw ang anak niya, partikular na ang ilong.

Anang ginang, “Again, maliit palang po si Natasha Villaroman, may problema na siya sa nose bridge niya na lumalaki po na kailangan operahan ‘pag 16 na siya. And anong masama sa magpa retoke ng ilong, eh millions including boys nagpaparetoke na rin.”

Hirit pa ni mommy, “At may mga bashers nagsasabing lumaklak ng glutha ang anak ko para pumuti? Eto ang kanyang mga pictures na nagpapatunay na PORSELANA NA TALAGA sya nung lumabas dito sa mundo. But again, thank you sa lahat ng support and God bless all of us.”

Pahabol pa ni Mrs. Villaroman, “My lovely and I’m proud to say my BEAUTY and BRAIN daughter Natasha Villaroman is having fun in #AMANPULO with this very humble, ordinary, but with a pure heart, a good soul, and a good guy, Pau…

“Love you both and continue to enjoy each other’s company. After all, we are all equal in the eyes of God. Yang mga nanghuhusga sa anak ko, SUS, magkita-kita tayo sa impyerno!”

Samantala, nag-reply naman si Natasha sa isang post ng kanyang ina, “Thank you mom Jade for everything, I know everyone’s intention was good and I appreciate that so much.

“But Pau and I would rather keep things private from now on to protect whatever we have. Thank you for the warm support.”

Read more...