Paolo: Ako ang best actor sa Tokyo na naka-gown!

paolo ballesteros

NAKABALIK na si Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga. Ilang araw rin siyang nawala para dumalo sa Tokyo International Film Festival at hindi naman siya umuwing luhaan dahil uwi-uwi niya ang Best Actor trophy para sa movie niyang “Die Beautiful”.

Sa mga hindi pa nakakaalam, isinumite pala ang “Die Beautiful” bilang isa sa hopeful entries ng 2016 MMFF. Nais din kasi ng director na si Jun Lana na mapabilang sa walong official entries ang “DB” dahil malaki ang audience ng festival kapag Disyembre.

Pero habang nasa Japan, nakikipagsara pala si direk Perci Intalan, executive producer ng movie, sa isang kumpanya sa Japan upang magkaroon ito ng theatrical release roon.

Eh, maging ang international filmfests sa Europe at US ay inaambisyong maging bahagi ng festival nila ang “Die Beautiful.”

Sa mensahe ni Paolo sa Eat Bulaga kahapon, “Ako ang best Actor na naka-gown! Ha! Ha! Ha!”
Sana nga makapasok sa MMFF 2016 ang “DB”.

Read more...