Sharon hindi nagpatalbog sa kaseksihan ni Ara: Pampa-good vibes lang!

 

HINDI nagpatalbog si Sharon Cuneta sa kapayatan ngayon ng dating sexy actress na si Ara Mina na ang seksi-seksi na uli ngayon.

Ang liit-liit na uli ng bewang ni Ara nang mapanood namin sa Magandang Buhay ng ABS-CBN. In fairness, pwede na uli siyang magpaseksi sa teleserye at pelikula bilang hot mama.

Kahapon, nakita namin sa Facebook account ni Mega ang isang litrato kung saan katabi nga niya si Ara. Kitang-kita rin dito ang kapayatan ni Sharon. Sabi nga ng isa niyang social media follower, sana raw ay magsilbi siyang “fitspiration” sa lahat ng nawawalan na ng pag-asa na pumayat.

Ayon kay Mega, ipinost niya ang photo nila Ara bilang pampa-GV (good vibes) sa isang malungkot na araw. Bago kasi ang FB post niyang ito, nag-share rin ng mensahe si Sharon sa kanyang pamilya at nga kaibigan para sa paggunita ng 2nd death anniversary ng kanyang Mommy Elaine Cuneta.

Read more...