Transman na dating ka-loveteam ni Paulo pasok na rin sa PBB

 

jesi corcuera

Photo courtesy of entertainment.abs-cbn.com

PASOK bilang bagong regular housemate sa PBB Lucky Season 7 ng ABS-CBN ang dating StarStruck Avenger na si Jesi Corcuera.

Si Jessie ay aminadong tomboy na una ngang nakilala sa Starstruck The Next Level ng GMA (2006). Siya ang naging ka-loveteam noon ng Kapa-milya hunk na si Paulo Avelino na produkto rin ng Starstruck.

Tagged as Transman of the House ng Cavite of PBB, sinabi ni Jesi na siya ang kakatawan sa LGBT community habang nasa loob ng Big Brother house, “Gusto ko i-spread ang equality sa tao,” aniya.

“Sobrang hirap ng audition kaya sobrang happy na nakapasok ako,” dagdag pa ng transman.
Bukod kay Jesi, kasabay din niyang pumasok bilang mga bagong housemate sina Aura Azarcon at Wil Dasovich.

Read more...