Angelica sa lovelife: Kahit na sino, basta ayokong tumanda mag-isa! | Bandera

Angelica sa lovelife: Kahit na sino, basta ayokong tumanda mag-isa!

- November 07, 2016 - 12:05 AM

 

angelica panganiban

DASAL ni Angelica Panganiban na huwag naman siyang tumandang mag-isa – sana raw ay magkaroon siya ng makakasama sa kanyang pagtanda.

Sa presscon kamakailan ng latest movie niyang “The Unmarried Wife,” under Star Ci-nema, sinabi ni Angelica na umaasa pa rin siya na darating ang taong nakalaan talaga para sa kanya.

Inamin din ng Kapamilya actress na nagbago na ang pananaw niya sa kasal natapos mabigo nang ilang beses sa pag-ibig.

“Pero ayoko naman tumanda mag-isa. Pero ang idea lang sa akin ay hindi tumandang mag-isa. Magkaroon ako ng special someone, anak man yan or lalaki or best best friend. Kahit na sino basta ayoko lang tumanda mag-isa.

“About sa marriage, hindi siguro in the near future pero alam niyo ang isip naman ng tao nagbabago yan kaya and baka ma-misquote lang ako. Nirerespeto ko lahat ng mga taong nakakita ng kanilang partners at successful sa kanilang married life. And how I wish di ba someday nga ay maging ganu’n ang mangyari sa akin,” paliwanag ni Angelica.

Nauna nang sinabi ng aktres na wala pa siyang nakikitang lalaki na pwede niyang pakasalan at pagsilbihan habang buhay, “Siguro kasi ngayon nasa stage ako na ako lang, ako lang muna.

Pagsisilbihan ko muna ang sarili ko, mamahalin ko muna ang sarili ko. Kaya hindi ko pa siguro nakikita na dini-dedicate ko yung sarili ko. Hindi ko pa siya kaya ibigay ng buong buo kaya hindi ko pa masagot yung tanong na kaya akong ikasal.”

Marami rin daw siyang na-realize sa kanyang failed relationships, “Magtira ka sa sarili. Yun ang ginawa ko, nagtira. Mali ata ‘yun eh. Kaya yung susunod ko, hindi ko na siya ulit susundin. Buong buo na naman, ganu’n.

“Pero kailangan mo tanggapin yun na eventually na kung hindi para sa iyo, hindi para sa iyo. Kung para sa iyo eh di salamat. Pero kung hindi, move on tayo at bili tayo ng maraming pusa atsaka aso! Ha-hahaha!” sey pa ng leading lady nina Dingdong Dantes at Paulo Avelino sa “The Unmarried Wife” directed by Maryo J. delos Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tumanggi rin ang dalaga ba magbigay ng advice sa mga sawi sa pag-ibig, “Hindi ko alam, hindi naman ako expert pagdating sa pagmamahal at sa relationships kaya hindi ko masasabi kung hanggang kailan ka kailangan lumaban. Nasa sa ‘yo yan pero sana huwag lang mawala sa iyo yung respeto mo sa sarili mo sa ibang tao.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending