Male star inaatake ng matinding depresyon, kung anu-ano na naiisip gawin

 

KADALASAN ay depresyon ang nagiging matin-ding problema ng mga artista. Lalo na ang mga sikat na sikat, malungkot para sa kanila ang buhay sa itaas ng tatsulok, dahil hindi nila alam kung sinu-sino ang mga taong totoo at hindi sa kanila.

Maraming nagkakasakit sa kanila nang walang dahilan, basta bigla na lang silang nawawalan ng gana sa buhay, depresyon ang kanilang nararamdaman.

Isang aktor ang na-ngangailangan nang matinding suporta ngayon. Meron nang ibinibigay na suportang moral ang kanyang pamilya at mga kaibigan, pero mas tutok na pagmamahal at lakas ng loob pa rin ang kanyang kailangan, bago pa mahuli ang lahat.

Kuwento ng isang source, “Matagal na siyang inaatake ng depression. Akala kasi niya, e, hindi siya mahal ng mga taong pinakamalapit sa buhay niya. Wala rin siyang tiwala sa sarili niya.

“Napakababa ng self-esteem niya, parang ang tingin niya sa sarili niya, e, wala siyang saysay. Maga-ling siya, kilala, pero talagang madalas siyang ata-kihin ng depression,” pagtatapat ng aming impormante.

Nasa punto ngayon ang male personality na naghahanap siya ng pagmamahal, suporta at malasakit mula sa kanyang mga mahal sa buhay. Hindi naman siya pinababayaan ng mga ito pero pakiramdam nga ng aktor ay kulang na kulang pa rin ang atensiyong tinatanggap niya.

“Kulang na kulang siya sa tiwala sa sarili niya. Hindi ‘yun kayang gamutin nang one hundred percent ng ibang tao, siya mismo ang kailangang tumulong sa sarili niya.

“Kailangan siyang bantayan palagi ng mga relatives niya, marami nang naiisip na kakaiba ngayon si ____ (pangalan ng guwapo at kilalang aktor). Malayo na ‘yun sa ordinaryo.

“Kapag hindi pa sila kumilos, kapag lumalim pa nang lumalim ang depression niya, mark my word, may mangyayaring hindi maganda sa kanya o sa mga taong kasalamuha niya ngayon,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kayo na ang bahalang magmarka sa sinabi ng ating source, kilalang-kilala n’yo kung sino ang male personality na ito.

Read more...