OFF-CAMERA ay komedyante pa rin talaga si Bossing Vic Sotto.
First-hand account ito mula mismo kay Butch Francisco, isa sa mga imbitadong guest sa kasal ni Chino Sotto, anak ng da-ting mag-asawang Maru at Ali (at kuya ni Miko who had a fatal fall mula sa isang condo building in Mandaluyong City years ago), na ginanap sa St. Therese nitong Oct. 29. Reception followed at the Sharing-La sa Bonifacio Global City.
Vic stood as one of the newly weds’ godparents. Siya raw ang huling nagbigay ng talumpati patungkol kay Chino at sa bride nitong si Charlene, anak ni Pasay City Mayor Tony Ca-lixto.
Humigit-kumulang ay ganito raw ang mensahe ni Bossing who came with his wife Pauleen Luna, “Bilang ninong, ni-request ako na magbigay ng message sa bagong kasal kung ano ang maipapayo ko sa kanila. Eh, bagong kasal din ako.”
Siyempre, nagtawanan ang mga bisita. Hirit naman niya tungkol sa kanyang pamangkin, “Alam n’yo, itong si Chino, nasu-baybayan ko ang paglaki niyan. Three months old pa lang ‘yan, nilalaru-laro ko na ‘yan sa crib niya, sa sala ng bahay nila. Eh, ‘yung mga magulang niya, sina Maru at Ali, hayun, nagkukulong sa kuwarto! Siguro, ginagawa naman nila nu’ng time na ‘yon si Miko.”
Again, Bossing’s wisecrack evoked laughter.
Pero ang bahaging ito raw ang ikinatawa ng lahat, “Alam n’yo naman ako madaling magsawa,” as he paused in mid-sentence, sabay tumingin daw ang mga tao kay Pauleen, “…sa mga bata (kids).”