Pia todo suporta kay Manny, ibinandera ang pink Pacman gloves na may pirma

 

AGAW-EKSENA naman si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa laban ni Manny Pacquiao kontra Jessie Vargas kahapon sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada, USA.

Todo ang ibinigay na suporta ni Pia kay Pacman kahapon, bukod sa talagang naglaan siya ng oras para panoorin ang pakikipagbakbakan nito kay Vargas ay binigyan pa nito ng “goodluck” message ang Pambansang Kamao bago ang nasabing boxing match.

Sa kanyang Instagram page, ipinost pa ni Pia ang litrato niya hawak ang autographed pink gloves na ibinigay sa kanya ni Pacquiao.

“I’ve always been a fan and I think some of you know that well. Tonight I will be cheering for him live here in Las Vegas! I can’t wait to see our national pride in action!” ang caption ni reigning Miss Universe sa nasabing litrato.

Sa napanood naming video na kuha ng ABS-CBN, makikita si Pia na nakasunod sa entourage ni Pacman papasok sa venue ng laban. Nang tanungin si Pia kung ano ang message niya kay Manny, “I am a huge fan. I think everybody knows this. I am really praying. Please let it happen. Let him win,” na nagkatotoo nga.

 

Read more...