Aljur: Si Kylie na ang gusto kong makasama sa buhay!

aljur abrenica at kylie padilla

INILANTAD na ni Aljur Abrenica ang katotohanan tungkol sa pagbabalikan nila ni Kylie Padilla. Tahimik na nangyari ‘yun nu’ng nakaraang September pa, basta naramdaman na lang nila na mahal pa rin nila ang isa’t isa, saan pa nga ba mauuwi ang ganu’ng emosyon kundi sa pagbabalikan?

Kung matatandaan ay si Aljur ang nakipaghiwalay kay Kylie, pakiramdam nu’n ng guwapong aktor ay hindi pa sila handa sa isang seryosong relasyon, kaya mas maganda kung maghihiwalay na muna sila.

Pero hindi naputol ang kanilang komunikasyon, lalo na ang pakikipag-usap ni Kylie sa pamilya ni Aljur, walang nasirang anuman sa kanilang paghihiwalay.

At heto na nga. Ikalawang sultada na ito ng kanilang relasyon, sana nga ay hinog na hinog na ang kanilang damdamin para mapanghawakan ang kanilang pagmamahalan, lalo na’t sinasabi ni Aljur na si Kylie talaga ang gusto niyang makasama sa lahat ng anggulo ng kanyang buhay.

Para uli silang nag-uumpisa ngayon, pero ano nga ba ang sabi, di ba’t pinakamatamis ang ikalawang sigwada ng pagmamahalan?

Harinawa.

Read more...