Jessy kay Angelica: Sa simula bully ka pero pag nagtagal sweet ka na!

jessy mendiola at angelica panganiban

FRIENDS pala sina Jessy Mendiola at Angelica Pa-nganiban kaya naman nag-post ang una ng photo nila ng huli with this caption, “Happy birthday sa nag-iisang madam ko @iamangelicap. Di pa naman tayo matagal na magkaibigan, pero alam ko kapag nagmahal ka ng kaibigan sobra sobra.

“Sa simula bully ka, pero kapag nagtagal sweet ka na. kahit madalas moko pinapag alala kapag nadadapa ka, masaya ko kapag tawang tawa ka kahit sa mga simpleng bagay lang. sana lagi kang ganyan, tulad ng tawa mo sa litrato na to.

“Naiiyak ako kapag umiiyak ka, diko alam kung bakit. Kaya smile ka lang lagi ha. Enjoy your special day. Hayeeeerp. Labyu labyu.”

Medyo matagal na ring walang boyfriend ang star ng “The Unmarried Wife” at isa siguro sa mga wishes ni Jessy ay mahanap na rin nito ang kanyang Mr. Right.

In exasperation, perhaps, nasabi nga ni Angelica na sa ngayon ay hindi siya naniniwala sa kasal.

Read more...