Angeline binasted si Erik, may bago nang boyfriend?

 

BOYFRIEND na nga ba ni Angeline Quinto ang isang nangangalang Chris Marcos Chan?

Nasulat namin kasi rito na hindi pa handa si Angeline na mag-asawa o magpakasal kay Erik Santos kasi marami pa siyang gustong mangyari sa career niya.

Hindi rin naman siya puwedeng mag-anak dahil mas gusto niyang kasal muna at baka makaabala pa raw ito sa kanyang trabaho.

May fan si Angeline na nagpadala ng litratong magkasama sila ni Chris Marcos Chan at ito raw ang dahilan kaya hindi sinasagot ng dalaga si Erik.

Say ng fan ni Angeline (@anggefan), “May ibang gusto po si Angeline ‘di po si Erik kundi Chris Marcos. Mukhang boyfriend n’ya na po.”

Ipinadala sa amin ang sweet photo nina Angeline at Chris noong Halloween na may caption na, “Ang selfie ‘before’ ha, ha, ha. Abangan n’yo ‘yung ‘after.’

May post uli si Chris ng litratong naka-make-up sila ni Angeline ng zombie at nakayakap sa baywang ang kanang kamay at ‘yung kaliwang kamay ay sa leeg naman na may caption na, “And the ‘after’ selfie, sudden Halloween ‘party.”

Tinext namin si Angeline tungkol dito,
“Ha-hahaha! Hindi ko po boyfriend, ate Reggee, kaibigan niya kasi mga kapatid ko,” sagot ng dalaga.

Hirit namin, “Bakit kayo sweet sa picture, siya ba ‘yung nanliligaw sa ‘yong taga-Pampanga? Bakit may before and after selfie pa at nakayakap pa.”

“Hindi po siya, ate Reggee,” mabilis na sagot sa amin. “Ganu’n po talaga ‘yun, mahilig mag-selfie pero hindi ko po siya boyfriend.”

Sabi namin sa dalaga, i-susulat namin ang tungkol sa kanila ni Chris, “Naku, ate Reggee, ‘wag na po baka mabasa ng mga fans namin ni Erik.” Sabay imbita sa amin ng dalaga na manood na lang daw kami ng concert nilang “Divas Live in Manila” sa Biyernes, Nob. 11. Aniya pa, “Bigyan na lang kita ticket ng show punta ka po.”

Ha-hahaha! At gusto pa akong suhulan? Hirit pa ulit ni Angeline, “Ate Reggee, hindi ko siya boyfriend.” Na sinagot namin ng, “Okay naniniwala na kami.”

Sabay sabi pa ng dalaga na, “Ate Reggee, birthday ko na sa November 26, regalo ko, ha.”

O di ba, bossing Ervin, paano ka maiinis kay Angeline, maruno talagang maglambing at talagang lukring din. Kaya isa si Angge sa mga gusto naming alaga ng Cornerstone Talent Management dahil napa-patawa niya kami sa totoo lang.

Read more...