CR pa lang ng bagong bahay ni Heart milyones na ang halaga

heart evangelista

SPEAKING of Tito Butch, he came well-dressed for the occasion pero hindi na raw niya kailangang magpatahi ng suit. “Ipina-dry-clean ko lang ‘yung isinuot ko.”

He could never miss Chino’s wedding. Una na rito ay ang pagiging mag-BFF nila ni Ali. Ikalawa, dahil aminadong jobless pa rin hanggang ngayon ang dating Startalk host (yet he claims to have embraced the joys of early retirement) ay mapaglalaanan niya ‘yon siyempre ng oras.

Pero wala mang hosting job si Tito Butch (blame it on the extinction of showbiz-oriented talk shows), hindi masasabing he’s in financial straits.

Nagpapagawa lang naman ng isang three-storey house, at bukod ito sa iba pa niyang mga naipundar na ari-arian since his hosting career began.

“You may or you may not put this in your column, Ron,” sey ni Tito Butch who’s our constant phone pal at night, “Isa lang pala ang binilhan namin ni Heart (Evangelista who’s also having her house built at minamadali na raw ang completion) ng mga bathroom fixtures.”

Isang tindahan daw ‘yon sa parteng Maynila na may kamahalan ang presyo ng imported merchandise pero panghabambuhay na raw magagamit.

“Na-curious ako na tanungin sa cashier kung magkano’ng inabot ng lahat ng mga binili roon ni Heart. Ang sagot sa akin, halos pareho rin lang daw ng nabili ko.

“Pero ito ang catch… ’yung binili ko, gagamitin sa anim na bathrooms ng bahay ko, samantalang ‘yung kay Heart, only for one bathroom!”

Read more...