Coco tutuhugin raw sina Julia at Liza sa susunod na teleserye

 

NAG-REACT ang program manager ng FPJ’s Ang Probinsyano na si Ms. Dagang Vilbar kung saan nagmula ang balitang ang TV remake ng classic FPJ movie na “Batang Quiapo” ang ipapalit sa serye ni Coco Martin kapag natapos na ito sa 2017.

Matatandaang ang “Batang Quiapo” ay pelikula nina Fernando Poe, Jr. at Maricel Soriano na ipinalabas noong 1986 mula sa direksyon ni Pablo Santiago.

Paliwanag sa amin ni Ms. Dagang, baka nag-one plus one na ang iba nang mapanood ang teaser ng Batang Quiapo sa nakaraang “Ang Probinsyano Pasasalamat” concert na ginanap sa Araneta Coliseum.

Sabi ni Ms. Dagang, “Hindi totoo ‘yun kasi maiksi lang ‘yung Batang Quiapo, hindi puwedeng gawing series ‘yun, dahil kung ganu’n din lang, e, anong pagkakaiba sa Ang Probinsyano? Halos same lang naman ang concept.

“Hindi pa nga kami naka-kabuo ng ipapalit kasi hindi pa rin namin alam kung kailan matatapos ang Probinsyano.”

Sina Julia Montes at Liza Soberano raw next leading ladies ni Coco? Sagot sa amin, “Nakakatawa ‘yang balitang ‘yan, mas marunong pa sila sa amin? Sila-sila lang ang nag-meeting, hindi kami isinama?”

 

Read more...