“MANIWALA Sa Magic Ng Pasko” ang nais na ipaabot na mensahe ng GMA Network ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng kanilang 2016 Christmas Campaign, ang kauna-unahang locally produced 3D animated Christmas campaign na unang mapapanood ngayong Lunes, Nov. 7, sa 24 Oras.
Tatlong kwentong puno ng puso at pag-asa ang hatid ng Kapuso Network para bigyang inspirasyon ang mga manonood na maniwala sa magic na dala ng Pasko.
Ayon kay GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, “During such a busy time of the year, we hope that, by spreading the message of hope, every Kapuso will get to experience the joy and limitless possibilities that come with believing in the magic of the Season.”
Una sa tatlong kwento ang Magic Crayons kung saan tampok ang kakaibang saya ng katuparan ng pangarap ng isang bata.
Gamit ang 3D graphics – na kailanman ay hindi pa nagagawa ng isang local network para sa isang Christmas campaign — isa na namang natatanging proyekto ang handog ng GMA para sa mga Kapuso viewers.
“It is felt that the use of animated images best complements the essence of our Holiday message this year – to believe in the magic of Christmas. Through this, it is hoped that even our youngest Kapusos will enjoy our campaign and embrace the meaning of our Christmas message this season,” pahayag ni GMA President and COO Mr. Gilberto Duavit, Jr..
Katatapos lamang ng makasaysayang pagkapanalo ng animated anthology series na Alamat ng kauna-unahang “Best of Festival” award ng bansa sa US International Film and Video Festival (USIFVF) – isa na namang patunay sa husay at pagiging world-class ng GMA. Ang award na ito ay isang pagkilala sa natatanging entry sa lahat ng Gold camera awardees bawat taon sa USIFVF.
Ang mga Christmas stories ay mula sa malikhaing konsepto ng GMA Program Support Department sa pa-ngunguna ni Regie Bautista (First Vice President), Dino Garcia (Assistant Vice President), Hasmin Marable (Assistant Vice President), BJ Camaya (Associate Creative Director), Catherine Ko (Project Manager), Nicolle Castillo (Writer), at Juan Javier, Reybert Ramos, Laqy Laqueo (Artists); na siya namang binigyang buhay ng GMA Post Production Department na binubuo nina Edward Achacoso (First Vice President), Paul Ticzon (Vice President and Head of Operations), at April Canasa-Angeles (Senior Manager, Video Graphics Section).
Ang theme song ng 2016 GMA Christmas Campaign ay inawit ni Julie Anne San Jose mula sa panulat nina BJ Camaya at Nicolle Castillo at musika nina Len Calvo at Ann Figueroa.
Tunghayan ang unang kuwento ngayong gabi sa 24 Oras. Para sa ikalawa at ikatlong kuwento, promos, at iba pang update sa Maniwala Sa Magic Ng Pasko, tumutok lamang sa GMA 7, bisitahin ang www.gmanetwork.com/magicngpasko.