Robin Hood ni Dingdong waging-wagi sa ratings game

dingdong dantes

BILIB talaga kami sa entertainment value ng GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood kaya naman hindi kataka-taka kung bakit namamayagpag ito sa nationwide ratings ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement.

Mula kasi sa naitalang ratings noong nakaraang linggo (Oct. 24-30) sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM), kabilang ito sa top 5 most watched programs doon kung saan nakakuha ito ng average people rating na 11.1 percent.

Lubos ang pasasalamat ng bida ng Alyas Robin Hood na si Dingdong Dantes dahil patuloy silang sinusuportahan ng mga manonood.

“I am happy with how the audience likes the show. Para sa kanila naman talaga iyon, e. We make the show as incredible as possible for them kaya talagang nagpapasalamat ako,” pahayag ng Kapuso Primetime King.

Todo rin ang pasasalamat ni Dingdong sa lahat ng netizens na walang sawang nagpo-post ng magagandang komento tungkol sa kanilang teleserye.

Napapanood pa rin ang Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia. Kasama pa rin dito sina Andrea Torres, Megan Young, Jaclyn Jose, PJ Abellana, Dennis Padilla at marami pang iba.

Read more...