Dingdong wala pang ‘K’ magpayo sa mga mag-asawa

dingdong dantes

ABOUT marriage collapsing ang tema ng “The Unmarried Wife” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Angelica Panganiban at Paulo Avelino.

For Dingdong, marami ang makaka-relate sa movie as “In a way, ito ‘yung katototohanan na maaaring mangyari.”

“Magandang ‘yung mga ganitong klaseng problema ay napo-point out na posibleng ma-encounter ito later on so that para sa akin, puwede siyang maging measure para mas mag-step up or mas alagaan kung ano ang meron ako ngayon,” say ni Dantes.

“I think ‘yung kuwento nina Anne (Angelica), Geoff (Dinggong) and Bryan (Paulo) ay totoong kuwento na nangyayari talaga sa kapaligiran natin. What better way to learn from it than by immersing sa mismong nangyari. With that, sana naman may matutunan ako para hindi maulit ‘yung kamalian na ginawa ni Geoff dito,” dagdag pa niya.

Nag-decline naman si Dingdong na magbigay ng payo on how to preserve marriage lalo pa’t dalawang taon pa lang siyang kasal sa kanyang asawa.

Read more...