AABOT sa P100 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa dalawang big-time pushers kahapon ng madaling araw sa Binondo, Maynila.
Kinilala ni Chief Supt. Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Pilice Offuce, ang mga nadakip na sina Rommel Rodriguez at Albert Gasingan.
Ani Albayade, ang dalawa ay distributor umano ng isang Chinese national na miyembro ng big-time drug syndicate na nakabase sa Binondo. Pinaghahanap na ang nasabing dayuhan na may alyas lamang na “Chekwa.”
Nasakote ang dalawa makaraang iabot ang P300,000 halaga ng shabu sa police asset sa Escolta st. alas-4 ng umaga.
Maliban sa nasabing halaga, nakuha pa sa dalawang suspek ang maleta na may laman na 20 kilo ng shabu.
MOST READ
LATEST STORIES