Sulat mula kay Abrahain ng Bagolatao, Minalabac,
Camarines Sur
Problema:
1. Maganda na sana ang buhay namin noong kagagaling ko lang sa abroad, ang kaso ay nahikayat akong magnegosyo ng bayaw ko ng talyer. Mula noon, nagkasimot-simot ang kabuhayan ko. Nakabili pa ako dati ng pampasaherong jeep pero naibenta ko rin at pati bahay at lupa namin nakasanla na ngayon sa bangko. Halos wala na kaming maipanghulog sa mga utang at ang bayaw ko ay bigla na lang naglaho nang marami ng niningil sa amin.
2. Nais kong makabawi at muling umunlad ang aming kabuhayan, ano po ba ang dapat kong gawin? May alam ka bang orasyon upang yumaman? Kung mayroon, maaari mo ba akong pakitulungan upang mabigyan ko naman ng magandang kinabukasan ang aking mga anak? October 17, 1970
Umaasa,
Abrahain Camarines Sur
Solusyon/Analysis:
From the Book of The Grimorium Verum:
Heto ang orasyon para yumaman, hango ito sa Awit ni David, partikular sa Psalm, cxx, 3: “Wealth and riches shall be in his house, and his righteousness endureth for ever.” Sa wikang Latin, mas lalong mabisa ang “HE SUBSTATIA ET DIVITIAE IN DOMO EIUS VAN ET IUSTITIA EIUS PERSEVERANS SEMPER.” Bigkasin mo lang ang mahiwagang orasyong nang 18 times sa umaga, habang sumisikat ang araw, sa tanghali bago kumain at sa gabi, hanggang sa iyong makatulugan. Bukod sa orasyon, bigkasin mo rin ang: “SA TULONG NI YAHWEH, ANG AKING PAMILYA AY MULING UUNLAD AT YAYAMAN. Sa ganyang paraan, makikita mo, sa loob ng siyam na buwang walang liban, nagawa ang simpleng panalanging nabanggit, mararamdaman mong umuunlad at gumaganda na muli ang inyong kabuhayan hanggang sa tuloy-tuloy na uli kayong yuamaman.
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing papalarin ka sa mga negosyong may kaugnayan sa pagkain at grocery, lalo ang produktong bigas at iba pang basic needs ng mga tao. Sa ganyang negosyo kayo uunlad at muling yayaman.
Numerology:
Ang birth date mong 17 ay sadyang batbat ng pagsubok, laging ganoon ang magiging buhay mo. Ngunit pagtuntong mo ng edad 50 sa ayaw at sa gusto mo mabilis na uling uulad ang kabuhayan ng pamilya hanggang sa yumaman.
Huling payo at paalala:
Abrahain, basta ang mahalaga sa ngayon ay anuman ang mga pagsubok na dumating wag na wag kang susuko. Sa tulong ng iyong asawang mataba ang pangangatawan at sa muling pagnenegosyo ng produktong binanggit na sa itaas, nakatakda na ang maganap. Tulad nang nasabi na, muling uunlad at yayaman ang inyong pamilya, na magsisimulang mangyari sa taong 2020 sa edad mong 50 pataas.