SISIMULAN ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito ang kanyang “sapilitang bakasyon” sa susunod na linggo upang makaiwas ang Senado sa kontrobersiya.
“I want to spare the Senate from any controversy so I will go on ‘forced vacation,’” ani Ejercito sa isang text message.
Matatandaang kinatigan ng Korte Suprema ang ipinalabas na preventive suspension order ng Sandiganbayan kay Ejercito kaugnay ng umano’y maanomalyang pagbili ng mga baril noong siya pa ang mayor ng San Juan.
“My conscience is clear. If I will be punished because I wanted to protect and save the lives of my constituents, then so be it,” dagdag ni Ejercito.
Nauna nang ipinag-utos ng Sandiganbayan ang 90-araw na suspensiyon kay Ejercito.
MOST READ
LATEST STORIES