Palasyo kinumpirma ang banta ng kidnapping sa Cebu

us

KINUMPIRMA ng Palasyo ang ulat ng banta ng kidnapping ss Southern Cebu matapos naman ang travel advisory na ipinalabas ng US Embassy.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella biniberipika pa rin naturang intelligence report.
“There was indeed a police report regarding a plan to stage a  kidnapping in Southern Cebu. The  report is in the process of being validated,” sabi ni Abella.

Nauna nang nagpalabas ang US Embassy sa Maynila ng abiso sa mga mamamayan nito sa Pilipinas na umiwas sa ilang lugar sa Cebu dahil sa banta ng kidnapping.
“The PNP commanders at various levels have taken the necessary steps to harden or protect  possible targets. Moreover other measures are being undertaken in public venues to safeguard crowds from harm,” dagdag ni Abella.

Read more...