Pariwarang aktor walang ginawa kundi mangutang

BLIND ITEM 0715

MAY katwiran ang sinabi ng isang source na dating malapit sa isang kilalang aktor na nang magsabog ng responsibilidad ang langit ay walang nasalo kahit katiting lang.

Puro sarap lang ang gusto sa buhay ng nasabing aktor, ayaw niyang humawak ng responsibilidad, hindi niya kayang magpamilya dahil labas ‘yun sa kanyang bokabularyo.

Kuwento ng aming source, “Magaling lang siya sa pagboladas, masarap lang siyang magsalita, glib talker lang ang lalaking ‘yun, pero wala naman siyang binatbat!

“Kahit nu’ng maganda pa ang takbo ng career niya, palagi siyang problema ng production dahil unprofessional siya. Nu’ng mapasama siya sa isang grupo ng mga hunk actors, palagi rin siyang late sa lahat ng commitments nila.

“Kasi nga, saan ka naman makakakita ng tao na alam niya namang may maagang flight siya kinabukasan, pero nagba-bar hopping pa? Alas kuwatro dapat, e, nasa airport na sila for check-in, pero alas dos pa lang nang madaling-araw siya uuwi dahil sa kalasingan niya?” pag-alala ng aming impormante.

Kaya wala siyang nagtatagal na relasyon. Hanggang umpisa lang siya. Para siyang driver na magaling lang sa arangkada pero olat na sa rektahang takbo.

“Napakairesponsable ng taong ‘yun. Alam n’yo bang dumating na siya sa point na tumatambay siya sa taping ng mga kaibigan niya para lang mangutang? Totoo ‘yun!

“Napakasuwerte na niyang nakakita ng babaeng magpapabago sa takbo ng buhay niya, pero ano pa ang ginawa niya? Tulog siya sa maghapon, napakabigat ng katawan, binigyan na nga siya ng negosyo pero ibang tao pa ang pinag-asikaso niya instead na siya?

“Loko, di nagising sa katotohanan ang girl na isa siyang napakalaking bagahe sa buhay? Hiniwalayan siya, may bago nang karelasyon ang girl ngayon,” kuwento pa rin ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang tamad na aktor na ito. Ayaw n’yo rin ang may pagka-green na tunog ng palayaw niya.

Read more...