Pacquiao hangad ang kumbinsidong panalo

manny pacquiao

HINDI na dapat pagtakhan kung bakit masigasig si Pinoy boxing superstar Manny Pacquiao sa loob ng gym, pagtakbo sa mga matatarik na kalupaan at pagsuntok sa punching bag ng mabilis at malakas.

Ito ay dahil masigasig siyang magtrabaho at desididong maging pinakamahusay sa lahat ng kanyang ginagawa lalo na sa larangan ng boxing.

“I’m workaholic,” sabi ni Pacquiao sa kanyang interview sa pagdating niya kahapon sa Wynn hotel sa Las Vegas, Nevada, USA.

“I want to be a good example to people who love sports,” sabi pa ni Pacquiao. “The way you work in this profession, to set an example to the young generation aiming to become champion.”

Kaya naman gusto ni Pacquiao ang kumbinsidong panalo sa katunggaling si Jessie Vargas.

Habol din niya ang kasaysayan bilang kauna-unahang nahalal na senador na nagwagi ng titulo sa anumang sport.

Kaya naman mas lalong naging puspusan pa rin sa kanyang pag-eensayo si Pacquiao sa Top Rank gym.
Kaya naman sina chief trainer Freddie Roach, conditioning coach Justin Fortune at cutman Miguel Diaz ay nagpapaalala naman kay Pacquiao na maghinay-hinay sa kanyang ensayo para kay Vargas na kanyang makakaharap ngayong Linggo.

Binigyan lamang ni Roach ng apat na rounds sa mitts, nakahanap naman ng paraan si Pacquiao sa pagdagdag ng ilang minuto sa shadow boxing kung saan pinamangha niya ang mga manonood sa kanyang walang humpay na paggalaw, pagbitaw ng mga suntok at paiba-ibang porma sa loob ng 30 segundo.

Hindi na rin niya itinuloy ang kanyang skipping rope bagamat nagsagawa siya ng abdominal exercises.

Sa kanyang sesyon na inabot ng mahigit isang oras, hindi nagpakita ng pagod si Pacquiao na patuloy lang sa pagngiti, pakikipag-usap at pagbibiro.

Bago isinagawa ang kanyang abdominal exercies, napanood ni Pacquiao ang video ng kanyang second round knockout sa kababayang si Reynate Jamili.

Read more...