Rody nakalimot sa pangako sa Diyos, muling nagmura

duterte-0517

ILANG araw matapos sabihin na nakausap niya ang Diyos at nangakong hindi na magmumura, muling nagpakawala ng mga masasamang salita ang Pangulo matapos bumisita sa puntod ng kanyang mga magulang kamakalawa ng gabi.
“Noon walang hulihan kasi ‘yung pulis, mga generals kasali na. Pati ‘yung mga ninja kasali na. O ‘di walang hulihan, ‘di walang namatay. Eh ngayon, may utos ako sa kanila, trabahuhin ninyo ‘yang trabaho ninyo. At huwag kayong magkamali pumasok diyan. T*** i** tatapusin ko talaga kayo. Sinabi ko na sa inyo,” ani Duterte sa isang press conference sa Davao City.
Sa ginawang send off ceremonies sa Sual, Pangasinan, para sa mga Vietnamese fishermen na napadpad sa bansa, makailang ulit na nagpakawala ng mura si Duterte sa kanyang talumpati.
Ito ay habang gigil na gigil na binabakbakan ang mga Amerikano sa pag-atras nito sa pagbebenta nito ng 27,000 M4 assault rifles sa Pilipinas.
Malulutong na “nga….wa.”; Pu….mo” at God…” ang ilan sa mga murang nasabi ni Duterte.
Matatandaang sinabi ng Pangulo na nakausap niya ang Diyos habang sakay ng eroplano galing sa kanyang official visit sa Japan, at nangakong hindi na magmumura at magsasalita ng bulgar.
Muli rin niyang binanatan ang US
“‘Yung kung magsalita sila ganon palagi. ‘We will cut aid. We will suspend everything.’ Sabi ko, you go to hell. Ano akala mo sa amin, mga Pilipino, patay-gutom? Nakinabang na nga kayo sa bayan namin. 50 years kayo na umupo dito. You live out with the fat of the land and you have the gall to say that,” ayon pa kay Duterte.

Read more...