James, Michela may hiling kay Kris para kay Baby MJ

james yap at michela cazzola

KINLARO ng mga supporter at friends ni James Yap na hindi ito nagpapasalamat kay Kris Aquino kundi kina Bimby at Joshua sa patuloy nitong pagbubukas ng linya para sa kanilang kapatid, lalo na si Bimby na half-brother nga ng baby nila ni Michela.

Ito nga raw ang isa sa mga kundisyon nina James at Michela noong lapitan sila ni Kris para mas maging malapit ang mga bagets kay Baby Michael James.

Malinaw sa usapan na kahit pa i-post ni Kris ang mga anik-anik sa social media o banggitin ito sa mga interview niya, basta raw i-spare sa kontrobersya at dagdag na stress ang bagong pamilya ni James.

Sa totoo lang, mas nagiging positibo si Kris ngayon dahil sa pagsunod niya if ever mang totoo na may ganu’ng kundisyon.

Siguro naman ay kabisado na ni James ang ex-wife pagdating sa mga ganu’ng bagay, kaya’t hindi natin siya masisisi if ever ngang mag-impose siya ng kasunduan, di ba kapatid na Ervin?

Read more...