Jake handang ipaglaban ang anak sa mga kontrabida

jake ejercito and ellie

NAKAKATUWA ang balitang buong-buo na ang pagtanggap ni Jake Ejercito nang kanyang pagiging ama sa anak niya kay Andi Eigenmann.

Ang ganda nilang tingnan sa mga litratong nakita namin sa social media noong celebration ng Halloween. We can now say na kumpleto na ang pagiging “tao” ng bagets na lumalaking napakaganda at halata rin namang malapit na malapit kay Jake.

Two years na nga raw silang break ni Andi at never na rin silang nagkakausap. Hindi na rin daw niya ito gustong bigyan ng kahit unsolicited advice para idetalye sa publiko ang tunay na mga pangyayari.

Basta sila ng anak niya ay super okay at madalas silang magkita at magkasama kaya’t masaya na siya. Kamakailan ay ipinost din ni Jake ang photo ni Ellie kasama ang kanyang mga magulang na sina Mayor Erap Estrada at Ms. Laarni Enriquez.

Read more...