Willie nadamay sa kabastusan ni Miss Earth Philippines

imelda schweighart
PASAWAY talaga itong si Imelda Schweighart, ang talunang Miss Earth Philippines na sa simula pa lang matapos siyang manalo ay nagpakakontrobersyal na.

Akala nga natin ay siya itong binu-bully dahil mukha naman siyang beauty queen talaga kahit pa nga halos ipangalandakan niya sa dating Miss Earth na si Karla Henry at iba pang title holders na mas in at fresh ang aura niya at siya ang may mas magandang future sa showbiz.

But after the contest nga kung saan nag-win si Miss Ecuador, aba’y lumabas ang tunay na kulay ng hitad na sobrang feeling pala at sobrang taas ng tingin sa sarili.

Gamit na gamit nito ang social media para magpahayag ng kanyang disgusto sa resulta (take note, ni hindi siya pumasok sa top 16, huh!), at nagawa pa nga nitong laitin ang winner na tinawag niyang retokada kaya hindi raw deserving tawaging Miss Earth 2016 at ultimo gown ay isinumbat pa niya na umano’y dapat sa kanya.

Nakakaloka, pero sa inasal nga ni Imelda, hindi na kami nagulat sa desisyon nitong mag-voluntary resignation. Kesa nga naman i-dethrone pa siya pa siya eh kusa na niyang isuko ang korona niya.

Pasaway, as in! Hayan tuloy, pati yung pagiging co-host niya dati sa show ni Willie Revillame ay nadamay pa. May nagsabi kasi na baka kaya siya nawala sa programa ni Willie ay dahil sa kayabangan at kabastusan niya.

Read more...