Male singer mahilig daw sa mga gay video, handa nang magladlad

BLIND ITEM MALE2 0316

MAY ISANG Twitter handler na takang-taka kung bakit in-add siya ng isang male singer.

Bading ang Twitter handler at sa kanyang account ay mga lalaking hubad ang bumabalandra. Sa kanyang video naman ay man-to-man ang madalas niyang i-post kaya naman bilib siya sa male singer na handa na yatang magladlad.

Hindi binago ng male singer ang kanyang Twitter account kaya naman palaisipan pa rin sa Twitter handler na beki kung bakit siya pina-follow nito.

Da Hu ang young male singer? Naku, kung bumirit siya ay parang wala nang katapusan. Ang taas ng tono niya, kaya niyang maging diva sa isang iglap. Nagets n’yo na kung sino siya?

Read more...