Dara nakipag-bonding kina James at Nadine sa S. Korea

sandara group

Photo source: Instagram of Sandara Park @daraxxi

NAKIPAG-BONDING sa South Korea ang K-Pop star at Pambansang Krung Krung na si Sandara Park kina James Reid at Nadine Lustre.

Nasa Korea ngayon ang JaDine para sa ilang araw na bakasyon. Doon nag-celebrate ng kanyang 23rd birthday si Nadine kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sandara ng ilang photos kung saan kasama niyang kumakain ang JaDine sa isang Korean resto. Nilagyan pa niya ito ng caption na: “Welcome to Korea, Sam & Jadine and friends!!!”

Ang nasabi ring photo ang ipinost ng kapatid ni James na si Lauren Reid sa kanyang Facebook page na may caption namang: “Lunch with the fam! Big thanks to Sandara for treating us! Busog na ako!!”

Makikita rin sa nasabing larawan ang utol ni James na si Jack, Sam Concepcion at dating PBB teen housemate Ivan Dorschner.

Read more...