Alden, Maine magka-date sa Europe; May bagong sorpresa para sa AlDub Nation

maine mendoza at alden richards

HINDI pa rin maawat ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa pagpu-post ng mga kaganapan sa bakasyon ng dalawang Dabarkads.

Unang bumiyahe si Maine patungong London, may nakita kaming ilang photos niya roon. The next day ay bumiyahe naman si Alden kasama si Ninno, anak ni Celeste Tuviera na anak ni Mr. Tony Tuviera at hair stylist ni Meng.

Sa post ni Ninno, delayed ang flight nila ni Alden, halos 23 oras daw naghintay ang grupo bago makaalis.

Tikom nga lang ang bibig ni Ninno sa detalye ng destinasyon nila ni Alden.

Sa nasilip naming video kahapon, may tumulong kay Alden sa pagbaba ng kanyang mga gamit nang makarating na ito sa Germany. May nagkomento pa ngang baka pumunta sa Munich sina Alden at Maine, huh!

Dahil sa social media, kahit pagbawalan ang fans, nagagawa pa rin nilang ipakalat ang pictures at videos ng kanilang mga idolo. Hindi rin naman kasi ito maiiwasan dahil sikat na sikat na rin sina Alden at Maine sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Pero siguradong sa pagbabalik nila sa Pilipinas ay may bago na naman silang sorpresa sa AlDub Nation.

Read more...