Tsuperhero nina Bea at Derrick tribute para sa mga jeepney driver

bea binene at derrick monasterio

PARA kay Bea Binene, masaya siya sa pinakabago niyang project sa GMA, ang fantasy series na Tsuperhero kung saan kasama niya ang ka-loveteam na si Derrick Monasterio na first time namang gaganap na superhero.

Ayon kay Bea, hindi lang ito basta comedy and fantasy series, relatable din daw ito sa kahit na sinong manonood. Excited siya dahil siguradong hindi lang daw kilig ang makikita sa kanila ng manonood kundi maraming life lessons.

“Makaka-relate din ‘yung mga jeepney driver, ‘yung masa na hindi lang mga bata pati ‘yung mga pamilya, nanay, tatay, kasi kada tao makaka-relate sa bawat eksena,” kwento ng versatile actress.
Magsisimula na ngayong Nobyembre ang Tsuperhero sa GMA Sunday Grande after 24 Oras Weekend.

Read more...