AYAW munang pag-usapan ni Derek Ramsay ang tungkol sa posibleng paglipat niya sa ibang TV Network dahil nakakahiya raw sa mother network niya ngayon, ang TV5.
Ayon sa leading man ni Lovi Poe sa sex-drama film na “The Escort” under Regal Entertainment, hanggang April, 2018 pa ang kontrata niya sa TV5.
Naniniwala ang hunk actor na kahit wala ng entertainment programs ang Singko ay marami pa rin siyang pwedeng gawin sa network, “Well, alam niyo naman, I’m a sports guy, so kailangan nila ako gamitin dun. I’m so willing to give my services to help them in sports so we can come up with sports concept shows.”
“In the meantime, I’m keeping my name out there by doing movies and supportive sila sa akin when it comes to that, so I can’t complain,” dagdag ni Derek sa panayan ng ilang members ng entertainment press para sa promo ng “The Escort” na showing na ngayong araw sa mga sinehan.
At nang tanungin nga kung may balak ba siyang bumalik sa ABS-CBN o lumipat sa GMA after mag-expire ang contract niya sa TV5, “Ayokong isipin pa yun, e. Kasi baka masaktan yung network ko, na nag-iisip na ako ng mga bagay na ganu’n.
“So I won’t entertain that in my head for now. Ang focus ko is to help TV5 in any way that I can para umahon, para maging isang stable network that’s competing competitively against these other networks. So, iyon ang priority ko for now,” paliwanag ng aktor.
Samantala, siguradong sulit ang ibabayad n’yo sa sinehan kapag nanood kayo ng “The Escort” ng Regal Films directed by Enzo Williams. Winner ang akting ng mga bida sa pelikula, pati na rin ng supporting cast.
Nabigyan kami ng chance na mapanood ang “The Escort” sa premiere night nito last week kung saan sinuportahan ng kani-kanilang pamilya at mga kaibigan ang tatlong bida ng pelikula. In fairness, punumpuno ang cinena 2 ng SM Megamall sa dami ng um-attend sa premiere night.
Masasabi naming dito sa pelikulang ito pinatunayan ni Derek na hindi lang puro katawan ang kaya niyang ipakita, umaarte na rin pati mga mata niya. Dito rin pinakamaraming drama moments ang aktor – waging-wagi ang confrontation scene nila ni Lovi Poe at ang madugong torture scene niya with Rommel Padilla.
Pero feeling ko, bitin na bitin si Derek sa love scene nila ni Lovi dahil virgin nga ito nang maka-sex niya sa kuwento ng movie.
Samantala, itinodo rin dito ni Lovi ang kakayahan niya sa paggawa ng love scene. Pero sabi nga ng Kapuso actress, more than the sex scenes, mas magugustuhan ng mga manonood ang istorya at ang naging journey niya bilang dyowa ni Derek at pagiging escort girl ni Christopher de Leon.
Given na ang husay ni Boyet sa movie na for the first time ay napanood namin bilang isang DOM na humaling na humaling sa kaseksihan at kagandahan ni Lovi.
Ang galing-galing ni Boyet nu’ng bigyan na niya ng tatlong options si Lovi para makabayad ito ng utang sa kanya. And sure kami na isa ang eksenang ito sa talagang pag-uusapan ng manonood.
Sabi nga ng award-winning actor nang mainterbyu namin after the premiere night ibang-iba ang pelikulang ito sa mga nagawa niyang sex drama noon.
“I watched this movie kasi Indecent Proposal ni Demi Moore and Robert Redford. Sabi ko one of these days I want to play something like that and then answered prayers talaga. They offered me this role and I completely fell in love with it so I grabbed it right away,” aniya.
“This is entirely different from the films we see na rom-com and the heavy drama. Yung escort business pala is entirely different. I didn’t know na may tinatawag pala na first date experience and meron pang so on and so forth. So when I read the material sabi ko, ‘It’s very exciting. I’d love to do this,” dugtong ni Boyet.
“More often yung mga roles ko before love triangles and all the love scenes and yun nga naging father role and all that. This is going to be another interesting role sa career ko actually. And it’s going to be fun.
“Siguro this is the first year in the Philippines to tackle this subject and at the same time sa America meron na yan. I was surprised actually na meron here at the same time, pero patago. It’s not actually legal but there it is,” pahayag pa ng aktor.