Employer ayaw magbigay ng umento

Magandang araw po sa Aksyon Line. May limang taon na rin po akong nagtatrabaho bilang office staff sa pagawaan ng sapatos sa Marikina. Nabalitaan ko po na maraming beses na rin na nagkaroon ng increase sa sweldo, kung hindi po ako nagkakamali ay taon-taon base na rin po sa mga balita, pero bakit hanggang ngayon ay wala naman kaming natatanggap na increase? Malakas naman ang negosyo ng aming amo pero napakakuripot na magbigay ng dagdag-sweldo. Natatakot naman po ako na kapag magreklamo ako ay pag-initan ako sa trabaho. Ask ko lang po kung ano ang pwedeng mangyari sa may-ari ng aming kumpanya na para ma-warn din siya na mali ang ginagawa niya. Sana ay agad ninyo kaming matulungan. Salamat po. Huwag n’yo na munang banggitin ang aking tunay na pangalan. Tawagin na lang po ninyo akong Ana.

REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Ana, bilang isang manggagawa ay may karapatan kang magreklamo sa hindi pagkakaloob ng dagdag-sweldo ng iyong employer.

Magtungo sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung hindi nagbibigay ng umento ang iyong employer lalo pa’t kung merong itinakdang pagtataas ng sweldo ang regional wage board.

Ang hindi pagkakaloob ng dagdag-sweldo, ayon na rin sa batas, ay may kaakibat na parusa at doble bayad-pinsala sa paglabag ng mga itinakdang pagtaas o pagsasaayos ng sahod (Penalty and Double Indemnity for Violation of the Prescribed Increases or Adjustments in the Wage Rates RA 8188).

Kahit sinong tao, korporasyon, partnership o pagkasosyo, asosasyon, o anumang entidad na tumanggi o mabigong magbayad ng kahit ilan sa mga itinakdang pagtataas o pagsasaayos sa wage rates sang ayon sa RA 6727 ay maparusahan sa pamamagitan ng multang hindi bababa sa P25,000 o nang hindi hihigit sa P100,000 o pagkakakulong na hindi bababa sa dalawang taon o nang hindi hihigit sa apat na taon o parehas na pagmumulta at pagkakakulong ayon sa pasya ng korte: Sa kondisyong kahit sinong taong nahatulan nito ay hindi karapat-dapat sa mga benepisyong nakalaan sa ilalim ng Probation Law.

Ang may kinalaman dito na may pagawa ay aatasan rin na magbayad ng kaukulang halaga na may katumbas ng doble sa unpaid benefits o benepisyong hindi maipagkaloob sa nga manggagawa:

Kondisyon na ang bayad-pinsala ay hindi nagpapawalang sala sa maypagawa mula sa criminal liabilty o kriminal na pananagutan laban sa kanya.

Kung ang paglabag ay naisagawa ng isang korporasyon, trust o isang samahan nang hindi namamahala ng pera o ari-arian sa isa pang tao o grupo, firm o komersyal na organisasyon na nagpapatakbo batay sa kita nito at nakikilahok sa pagbebenta ng nga kalakal o serbisyo sa nga consumer, partnership, o pagkakasosyo, asosasyon, o responsableng direktiba ng entidad, kabilang ang mga sumusunod, general management, managing director o partner.

Commissioner
Dave Diwa
National Wages and Productivity Commission (NWPC)
DOLE
Fax No.: 5273446

Read more...