Lovi may sariling version ng Halloween party, mas piniling ka-date ang ina
MAS PINILI ni Lovi Poe ang matulog nang walong oras kesa pumarty nu’ng Lunes, Oct. 31. Nagkaroon na lang sila ng dinner ng kanyang mother at gumawa ng sariling bersyon ng Halloween party.
Kaya naman tuwang-tuwa si Lovi dahil muli niyang natikman ang mahabang oras na tulog! Recharged na naman ang byuti niya sa pagbabalik sa taping ng Someone To Watch Over Me.
Showing na rin ngayon ang movie niyang “The Escort” kung saan inilabas muli ng Premiere Actress ang bagsik niya sa pag-arte lalo na sa eksena nila ni Christopher de Leon kung saan isusuko na niya kanyang virginity.
Sige ang tulo ng luha ni Lovi habang hinahaplus-haplos ni Boyet ang kanyang katawan habang laway na laway naman sa kanya ang award winning actor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.