SINABI ni dating pangulong Fidel Ramos na nagbitiw siya bilang special envoy sa China ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa ulat ng GMA News.
Idinagdag ni Ramos na nag-resign siya matapos bumalik si Duterte mula sa kanyang state visit sa China.
Kinumpirma niya ang pagbibitiw matapos bumisita sa Royal Thai Embassy sa Makay City para magbigay ng respeto sa yumaong Thai King Bhumibol Adulyadej.
Ito’y matapos ang sunod-sunod na pagbatikos ni Ramos kay Duterte.
Inilarawan ni Ramos ang Pilipinas na isang “sinking ship” sa ilalim ng liderato ni Duterte.
Muling bumanat si Ramos kay Duterte kaugnay naman ng posisyon nito hinggil sa climate change.
MOST READ
LATEST STORIES