3 bagyo inaasahang tatama sa PH ngayong buwan—Pagasa

pagasa

SINABI ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na dalawang low pressure area (LPA) ang minimonitor nito na posibleng mamuo bilang bagyo, kasabay ng pagsasabing tatlong bagyo ang inaasahang tatama sa bansa ngayong buwan.
Idinagdag ng weather bureau na nagdudulot ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Mindano, Palawan, Bicol at Visayas region ang LPA na pinapalakas ng Intertropical Convergence Zone.
Samantala, sinabi ng weather forecaster na si Loriedin De la Cruz na mababa ang posibilidad na maging bagyo ang LPA na nasa loob na ng Philippine area of responsibility (Par).
Idinagdag ni De la Cruz na may posibilidad namang maging bagyo ang isa pang LPA na nasa labas pa ng Par.
Tatawagin naman ito na Marce sakaling maging bagyo.
Sinabi pa ni De la Cruz na inaasahan ng Pagasa ang isa hanggang tatlong bagyo na papasok sa bansa ngayong Nobyembre.

Read more...