Horoscope, October 31, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Mga biglaan at hindi inaasahang suwerte ang magaganap. Sa pinansyal, sa tulong ng isang Cancer, madadagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap at mainit na relasyon. Mapalad ng 3, 6, 16, 24, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om.” Red at Purple ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Apoy ang iyong suwerte. Kaya habang nagliliwanag ang mga sementeryo sa araw na ito at sa araw ng bukas marami at ibat-ibang suwerte ang darating. Kasabay nito sa pag-ibig, magiging mainit ang pakikipagniig sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Harim-Hara-Om.” Maroon at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Kailangan ang pagkilos, dahil pagkilos lamang ang sure na paraan upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, kikiligin ang kasuyo sa kakaibang istilo ng romansa magaganap. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Black at green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Kalimutan na ang nakaraan! Magbagong simula ngayon upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, simulan ng maghanap ng bagong mamahalin sa katauhan ng isang Libra. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Akyata-Om-Purana.” Silver at purple ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Wag makisawsaw sa usapan na iba. Sa pinansyal at pag-ibig, imbis na atupagin ang pakikipag-tsismisan, ang asikasuhin ay ang sariling pamilya at ang pagpapayaman. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Nema-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Apoy ang iyong elemento. Kaya habang maraming mga kandilang nakatulos sa sementeryo, maraming suwerte ang darating. Pag magdarasal, humiling sa liwanag ng kandila. Sa loob ng 40 days, kusang matutupad ang iyong kahilingan. Mapalad ang 8, 19, 25, 34, 39 at 44. Mahiwag mong mantra: “By the power of the candle, By the power of light, All these luck, So be mine.” Gold at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Suweldo na! Supilin ang ugaling pala-gastos! Umpi-sahan na ang pagsisinop ng kabuhayan, tandaang ang pag-iipon ang unang hakbang upang yumaman. Sa pag-ibig kumbinsehin ang kasuyo na tulungan ka na rin niya na mag-ipon para sa future. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Silver at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Pagkain ang magbibigay ng suwerte. Sa negosyo, produktong may kaugnayan din sa pagkain ang dapat na maging kalakal. Sa pag-ibig, kung sino ang hindi sinasadyang makapagbibigay sa iyo ng paborito mong pagkain, siya ang tunay na sa iyo ay nagmamahal. Mapalad ang 6, 12, 24, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Harem-Aum.” Red at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag manisi ng kapwa. Ganyan talaga ang laban, may natatalo, may nagwawagi. Sa pinansyal, tuloy ang pasok ng salapi, kahit na may bahagyang kasawian na madrama. Mapalad ang 1, 14, 22, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Malapit na ang birthday mo! Ngayon pa lang paghandaan na kung paano ise-celebrate ang iyong kaarawan upang makatipid. Sa pag-ibig, may espesyal na regalo kang matatanggap sa iyong kasuyo na hinding-hindi mo malilimutan. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Devah-Om.” Maroon at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Mawawala ang kalungkutan dahil makakatanggap ka ng malaking halaga ng salapi. Sa paglalakbay, mag-ingat sa pagbibiyahe. Sa pag-ibig, tama ang matagal mo nang iniisip, “kayang-kayang tumbasan ng halaga ng salapi ang masarap na pakikipag-relasyon!” Mapalad ang 4, 19, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Aum-Adhenan.” Beige at magenta ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Huwag gumawa ng masama para lang umunlad. Sa halip, ituloy at dagdagan pa ang mga pagsisikap. Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung kamumuhian ka naman ng iyong mga kamag-anak. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om.” Black and white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — May babala ng karamdaman, upang masawata ang anomang sakit, laging kumain ng pagkaing maraming tubig, gayon din ng mga pagkaing nakukuha sa tubig. Ang mga pagkaing nabanggit, ang magpapalusog at magpapahaba ng i-yong buhay. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Beejaa-Om.” Green at blue ang buenas.

Read more...