Sulat mula kay Juliet ng Calagundina, Mati, Davao Oriental
Problema:
1. Ako po ay second year college sa kursong HRM, ang problema ko po may bagong prof po kami at ang guwapo nya at nagka-crush po ako sa kanya. Kaya kapag subject na niya ang aattenand ko masayang-masaya po ako at nag-aaral akong mabuti para mapansin niya. Ang kaso hindi po niya ako napansin hanggang sa natapos na ang sem, pero mataas naman ang grade na ibinigay niya sa akin.
2. Ang tanong ko po may chance kaya na magka-crush din sa akin si Sir at puwede kaya na ma-ging boyfriend ko siya. Kinikilig po ako kapag naiisip ko yong tagpo na yon. July 10, 1977 ang birthday ko.
Umaasa,
Juliet ng Davao Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing kung si Sir o ang prof mo na sinasabing crush mo ay isinilang sa zodiac sign na Scorpio may chance na kayo ay magkaroon ng relasyon pero kung hindi siya Scorpio, malabo na kayo ay makabuo ng isang relasyon. Dahil sinasabing ang magiging boyfriend ay isang Scorpio.
Numerology:
Sa numerology naman ang birth date mong 10 ay nagsasabing kung ang prof mo na crush mo ay hindi isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25 malabo ka-yong magkaroon ng relasyon, dahil ang makaka-relasyon mo ay silang isinilang sa petsang 7, 16 at 25.
Huling payo at paalala:
Juliet ayon sa iyong kapalaran, tulad ng paulit-ulit na nasabi na, malabo mo na makarelasyon ang prof mo na crush na crush mo, dahil hindi naman siya ang nakatakda na unang magiging boyfriend mo na darating sa susunod na taong 2017 sa edad mong 20 pataas, hatid ng isang lalaking halos kasing edad mo rin at sa sandaling dumating na ang unang lalaking magiging boyfriend mo, sigurado ang magaganap, bagamat crush mo pa rin si Sir, unti-unti nang huhupa ang pagkahaling mo sa kanya, dahil maibubuhos mo na ang iyong damdamin sa nasabing magiging boyfriend mo na nagtataglay ng zodiac sign na Scorpio.
May crush kay Sir (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...