Unti-unting dagdag sa SSS pensyon tinutulan

sss1
Hindi papayag ang Bayan Muna partylist na gawing paunti-unti ang gagawing pagbibigay sa P2,000 dagdag na pensyon ng Social Security System.
     Ayon kay Rep. Carlos Isagani Zarate hindi rin sila papayag na hindi pare-parehong P2,000 ang maging dagdag pensyon ng mga retiradong miyembro ng SSS.
     Sinabi ni SSS chairman Amado Valdez na magbibigay sila ng iba’t ibang opsyon para sa planong dagdag na pensyon at isa sa mga ito ang pagbibigay ng P500 dagdag kada taon sa susunod na apat na taon.
     “While this is a good development, we will continue push for the immediate approval and enactment of the P2000 SSS pension increase bill. This will ensure that the full P2000 pension hike will be given across the board simultaneously to all SSS pensioners, without the imposition of a corresponding increase in the payment of SSS premium,” ani Zarate.
      Ayon kay Valdez maaaring simulan ang dagdag na P500 sa 2017. Gagastos ang SSS ng dagdag na P56 bilyon kada taon para rito. Noong 2015 umabot sa P102 bilyon ang ibinayad ng SSS sa pensyon.
     Sinabi naman ni Zarate na dapat ay magkaroon ng pantay-pantay na pagtaas sa pensyon.
     “Our bill will also ensure that the current minimum pension increases, so future pensioners will also benefit. We do not want the increase to be staggered or incremental because the SSS pensioners need all the help they can get; in fact, even the P2000 increase is still small for their everyday needs.”
     Sa Nobyembre 15 ay nakatakdang aprubahan ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang panukalang dagdag na P2,000 pensyon.

Read more...