Undas wiwisikan ng ulan

    pagasa
Magiging maulan ang pagdiriwang ng Undas sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
     Batay sa inilabas na special weather outlook ng PAGASA makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mga nabanggit na lugar hanggang sa Nobyembre 2.
     Ang pag-ulan ay sanhi ng Intertropical Convergence Zone.
     Magiging mauled naman ang papawirin ng Northern at Central Luzon hanggang sa Miyerkules sanhi naman ang Low Pressure Area.
    “These systems are expected to enhance the northeasterly wind flow and will bring moderate to rough seas over the seaboards of Northern Luzon.”
     Magiging maulap din sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon lalo na sa umaga at may mahinang pag-ulan sa hapon.
      Wala namang namataang bagyo ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Read more...