Jasmine, Louise bibigyan ng bagong mukha ang mga tibo

JASMINECURTIS-SMITH AT LOUISE DELOS REYES

JASMINECURTIS-SMITH AT LOUISE DELOS REYES

GAGANAP na tomboy si Jasmine Curtis Smith sa pelikulang “Baka Bukas”, isa sa mga official entry sa Cinema 1 Originals Festival na idinirek ni Samantha Lee.

Bagong challenge ito para kay Jasmine kaya ang tanong namin paano siya napapayag na gumanap na lesbian.

“I accepted this film not because of Cinema One but because of Sam Lee, the director so parang mas naging personal ‘yung reason for accepting the movie,” pahayag sa amin ng dalaga nang solo namin siyang makausap bago ang presscon para sa announcement ng mga kalahok sa C1 Originals Festival.

Si Louise de los Reyes ang love interest dito ni Jasmine at meron daw silang kissing scene sa movie. Tungkol naman sa kanilang direktor na si Sam, “I met her (direk Sam) last year sa mga writers namin sa play na ‘No Filter 2.0’, so after no’n lagi na kaming nagkikita sa events and then one event earlier this year, in-approach niya ako to do the film.”

Dagdag pa ng dalaga, “Ang different angle dito is I’m a lesbian na struggling of coming out to her bestfriend, kasi in love siya sa bestfriend niya, so more of relationship ng bestfriends ang ipapakita rather than falling in love.

“Hindi mo aakalaing ano (lesbian), kasi nga girl pa rin, pero siyempre may naiiba sa galaw,” kuwento ng aktres.

Happy ending ba ang story nila ni Louise sa “Baka Bukas”, “Sana, may two options, nag-two takes lang kami kasi iba-iba ‘yung emotions namin per take, so hindi ko pa sure which one ‘yung napili ni direk.”

Tinanong namin kung may nanligaw na ba sa sa kanya na tibo, “Lesbian? I don’t know, not that I’m aware of, casually, pero nothing to be taken out of context naman. Normal lang at hindi showbiz kasi wala pa naman akong nakilalang taga-showbiz na aminadong lesbian, eh, other than of course kay Aiza Seguerra and her partner (Liza Dino).

“I think, that’s also one of the point in the story because rising actress ‘yung role ni Louise and we can see rin sa industry natin di ba, na marami pa rin ang hindi honest that they’re lesbian.

“Usually, tinatago ng artista ‘yan, kasi siyempre paano ka ipapares sa loveteam, paano ka makikitang iniidolong babae kung ganito ka naman. And for a very conservative country and parang isang anggulo rin we show (sa movie),” pahayag pa ni Jasmine.

At nang umupo na sa harap ang dalaga para sa presscon ay inaming tinanggap niya ang “Baka Bukas” dahil karamihan din sa mga kakilala at kaibigan niya sa industry ay members ng LGBT community.

“This is one step further to accept different life. Although this community is mostly recognized by gays, what about lesbians? Siyempre, naging talk din for a while ‘yung transgender. But for some reasons, when it comes to lesbians, taboo na (kasi) people are not comfortable with it. So bakit ganu’n? So I never hesitated,” katwiran ng aktres.

May love scene naman daw sina Jasmine at Louise pero hindi tulad ng iniiisip ng iba, “Of course maraming conservative na tao dito sa bansa natin na part ng production, part ng making the film na hindi naman open while watching such scenes in our local industry. Maraming considerations na naganap throughout the film, okay ba ito? Papayag ba? Mga ganu’ng considerations.”

Read more...